Share this Story

Lokasyong Tama ay Magdadala ng Higit na Pagpapala
finding the right location for business
Ang lokasyon ng iyong negosyo ay napakahalaga, depende sa uri ng iyong negosyo, ito ang magbibigay daan sa ikakatagumpay ng iyong negosyo kaya ito ay mahalaga sa paghahanap ng tamang lugar upang magsimula.

Malaking oras ang iyong gugugulin sa pagsisikap at pagpaplano para sa paghahanap ng isang magandang lokasyon na magbibigay sa iyo ng magandang panimula.

Ang mga tips na ito sa paghanap ng isang magandang lokasyon sa negosyo ay makakatulong na malaman ang tamang lugar para sa iyo.

Alamin Kung Sino at Anong Uri ng Kustomer Ang Para sa Iyong Negosyo.

Alamin kung sino sa mga tao ang iyong magiging potensyal na kustomer na mas mangangailangan ng iyong produkto o serbisyo, ito ay mahalagang malaman upang matukoy mo kung maaari kang magtayo ng negosyo sa isang lugar.

Upang magkaroon ng isang pangkalahatang ideya ng iyong na-target na mga kustomer, mahalagang pag-ukulan ng pansin ang uri ng mga grupo na nahihikayat sa iyong negosyo.

Halimbawa sa isang negosyo na fast food chain, iyong mapapansin na ang karamihan sa mga mamimili ay mga pamilya, mga propesyonal at mag-aaral sa kolehiyo. Kapag ganito na uri, maaari kang maghanap ng lokasyon na kung saan ay may maraming bilang ng tao tulad ng suburbs (para sa mga pamilya) at campus (para sa mga mag-aaral sa kolehiyo) at mga opisina. Ang halimbawa nito ay pagtatayo sa loob ng isang shopping center o mall.

Maghanap ng Lugar na Wala Masyadong Kakumpetensya.

Iwasan ang mga lugar na kung saan ikaw ay may maraming kakumpetensya halimbawa, kung ikaw ang may-ari ng isang tindahan ng palamig, huwag maglagay ng negosyo sa tabi ng isa pang may tindahan ng palamig. Ang iyong negosyo ay hindi pa ganun kalaki upang makipagkumpetensya – kailangan mo munang magtrabaho at mapalawak ang iyong negosyo bago makipagkumpetensya.

Sa halip, maaaring ilagay ang iyong negosyo sa isang lugar na may maraming tao na kung saan ito ay maaaring maging kapaki-pakinabang sa mga mamimili. Halimbawa, maaari mong ilagay ang iyong tindahan ng palamig malapit sa isang steak house. Pagkatapos ng masarap na pagkain sa restawran, ang mga taong ito ay maaaring pumunta sa iyong tindahan para sa isang masarap na palamig.

Sa Lugar na May Maraming Tao

Sa isang nagtitinging negosyo, ito ang pinakaimportanteng lugar upang ang mga produkto ay mabili ng mga kustomer. Maaari mong bilangin ang mga taong dumadaan sa buong maghapon upang matansya ang laki ng iyong magiging operasyon sa negosyo.

Lugar na Madaling Pasukin

Dapat rin itong ikonsidera sa pagpili ng tamang lokasyon para sa iyong itatayong negosyo. Alamin kung ang lugar ay ligtas, ito ba ay madaling pasukin ng iyong kustomer, suplayer at mga empleyado? May sapat ba itong parking space para sa iyong mga potensyal na kustomer?

Alamin ang mga Ordinansa at Patakaran ng Isang Lugar.

Importante ring malaman kung ang isang lugar ay may mga ordinansa o patakarang tuwirang makakaapekto sa pagpapatayo ng iyong negosyo. Maaaring magtanong sa lokal ng lugar para dito.

Sa mga Malls o Shopping Center

Kung ang iyong target na lokasyon ay ang mga ito, maaaring makipag-ugnayan sa may-ari o tagapangasiwa ng mall o shopping center upang malaman ang mga polisiya nito, ang laki ng lugar at ang pagbabayad nito. Alamin rin ang daloy ng trapiko sa mga malls o shopping center kung ito ba ay angkop para sa iyong negosyo.

Ang pagpili sa tamang lugar ay napaka importante lalo na sa mga nagsisimulang magnegosyo, ngunit ito ay isang aspeto lamang na dapat ikonsidera sa pagtatayo ng negosyo. Basahin kung paano magsimula ng isang negosyo at mga tips para dito.

Do you like this Money Making Business Idea? then please consider subscribing to our RSS feed. You can also subscribe by email and have new articles sent directly to your inbox. (Once you entered your e-mail address, you need to login to your e-mail account and click the link to confirm your subscription).

One thought on “Finding the Right Place”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *