Ang pagtatanim ng kabute ay kapaki-pakinabang. Ito ay inihanay na sa kalipunan ng mga gulay at ibinibilang na isa sa mga masustansyang pagkain. Hindi nangangailangan ng malaking lugar at hindi gugugol ng mahabang panahon sa pagtatanim.
Mga Uri:
Volvariella– Ito ay isang masarap na kabute na madaling patubuin sa Pilipinas gamit ang rice straw o sa sawdust, kaya ito tinatawag ring “straw mushroom or paddy straw mushroom”.
Pleurotus– ito ay tinatawag rin na “oyster mushroom”. Hindi mahirap patubuin ang ganitong klaseng kabute. Tumutubo ito sa mga patay na kahoy o sa mga natumbang puno. Madali rin itong tumubo sa mga sawdust. Tinawag itong “oyster mushroom” dahil sa kaniyang puting hugis na tulad ng sa isang shell.
Auricularia– Ito ay tinatawag na “jelly ear”, “Judas’s ear fungus or Jew’s Ear” o “tengang-daga” sa Pilipinas. Ang katawan nito ay parang isang jelly na hugis tenga. Madalas itong makikita sa mga natumbang puno o patay na kahoy. Ang kulay nito ay purple o di kaya ay dark brown o itim.
Mga Kailangan sa Paggawa ng Kama:
Ang dayami ng palay ang siyang pangunahin at pinakamabuting gamitin para sa paglilinang ng kabute. Ito ay hindi mahirap lalo na’t katatapos lamang ng anihan. Ang water lily, dahon o tangkay ng saging at mga itinapon bahagi ng abaka ay maaari ding gawing kamang punlaan ng kabute.
Paghahanda:
Mahaba, malinis at tuyong dayami ang kailangan. Iwasan ang paggamit ng bulok at lumang mga dayami. Bago bungkusin, tiyakin na nakaayos na mabuti ang bawat dulo ng dayami.
Ang pagbubungkos ay mula anim hanggang walong diyametro. Putulin ang nakabungkos na dayami sa habang 1.5 hanggang 2 talampakan. Ibabad ang nakabungkos na dayami sa loob ng 3 oras. Tandaan na ang paglulubog nito sa tubig ay di dapat lumampas ng 10 oras upang ang dayami ay makasipsip ng katamtamang dami ng tubig.
Tayuan ng apat na kawayan o patpat ang bawat sulok ng kamang pagpupunlaan na may sukat na dalawang talampakan ang lapad at sa ninanais na haba. Ilatag na mabuti ang mga nakabungkos na dayami pahalang sa pundasyon. Ihinto ang pagdidilig kung ang tubig ay nag-uumpisa nang dumaloy sa kama.
Pagtatanim ng Binhi:
Isingit ang mga binhi sa pagitan ng mga dayami ng apat na pulgada ang layo mula sa tagiliran, at apat na pulgada rin ang layo ng bawat butong itatanim. Huwag magpunla sa gitna ng kama.
Patungan ng panibagong dayami na pasalung at sa nauna, diligan at patagin. Sundin ang mga naunang tuntunin hanggang sa mahusto ang salansan at taas ng kamang punlaan. Ang kama ng kabute ay binubuo ng anim na salansan ng dayami. Ang bawat patong ay may mga nakatanim na binhi ng kabute.
Pag-aalaga sa Kama ng Kabute:
Mula sa apat hanggang limang araw matapos ihanda ang kamang punlaan, simulan na ang pagdidilig. Gawin ito tuwing makalawang araw o naaayon sa kalagayan ng panahon. Sa buwan ng tag-init, ang pagdidilig ay kailangan, ngunit king tag-ulan, hintayin na lamang na tumubo ang kabute. Ang labis na pagdidilig at pagkatuyot na kamang pinagpunlaan ay makasisira sa paglaki ng kabute. Upang hindi lumabis ang tubig sa kama, maaaring gawin ang pagdidilig sa tagiliran ng kama. Kapag ang kabute ay nag-uumpisa nang tumubo, ihinto muna ang pagdidilig ngunit kung nasa kalagitnaan na ang pag-usbong ng kabute,
muling ipagpatuloy ang pagdidilig.
Pag-aani:
Pagsapit ng dalawa hanggang tatlong linggo, ang mga binhi ng kabute ay nag-uumpisa nang tumubo. Sa pag-aani, tiyakin na kasama ang pinaka-ugat nito sa pag-aalis sa kama. Huwag anihin ang mga umuusbong pa lamang upang hindi magambala ang paglaki nito. Ang kabute na nasa kasibulan ay mas malinamnam kaysa sa mga nakabukadkad.
Source: Department of Agriculture
Basahin: Small-scale Mushroom Cultivation
Mushroom Seeds, Supplies and other information
Bureau of Plant Industry (BPI)
Ms. Estrella D. Tuazon
Chief, Plant Quarantine Service
San Andres, Malate, Manila City
Tel No. (632) 523-9132
Fax No. (632) 524-2812
E-mail: bpi@edsamail.com.ph
MUSHROOM PRODUCERS ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES, INC.
c/o Daily Harbest Manufacturing Corporation
21 Railroad Street, Port Area, Manila
Tel. No. (632) 442-5074
Manila Seedling Bank
Address: Quezon Avenue Extension Corner E. Delos Santos Avenue, EDSA -Quezon City , Metro Manila, Philippines
Telephone Nos. (063) 2 – 924-7001 to 2
Fax No. (063) 2 – 924-0166
e-mail: qualitytrees@msbfi.com
Do you like this money making business and ideas? then please consider subscribing to our RSS feed. You can also subscribe by email and have new articles sent directly to your inbox. (Once you entered your e-mail address, you need to login to your e-mail account and click the link to confirm your subscription).
I want mushroom seeds,
I want to buy mushroom seeds just txt me 09971791427
Hi Just interested to start to be a mushroom grower, where can i buy things to start one here in Proj 4, Q.C . Thanks for your help….
Good day, interesado po ako sa mushroom farming san po kaya ako makaka bili ng spawn and fruiting bags instruction manual? Thank you
We Offer;
1. transfer of technology ( mushroom production, farm set-up)
2. seminar on mushroom growing (household)
3. mushroom productiom (consultancy )
We Sell;
fruiting bags at 20pesos for bulk order
planting spawn for only 45 pesos for bulk order
pls. contact : 09186141803/09368512497
We are supplier of mushroom from nueva ecija if you want daily supply lets talk about it pls contact us:09353505178
Hi Madam/Sir how to buy the mushroom
gud pm po want ko sana mag tanim ng kabote d2 samin panu po ba makakuha ng seed nito?
saan po b mabibili nang mga seedling ng mushroom at mayroon po bang seminar clang tinuturo s gustong mag tanim po nito.
I am interested of Mushroom Farming! how to get seeds to start planting? Please inform me where to get Mushroom seeds is it from BPI?
Good Afternoon. I have been thinking of a good environmental friendly business and is interested in the mushroom farming. I need all the information from scratch on how to go about it. I would appreciate any information on someone or an organization here in Cebu to help me. My email address is mightimay@yahoo.com Salamat.
hi, i want to buy liquid mycelium or mushroom spore for my mushroom hobby.
contact me: CP#09202524289 Granada, Boljoon, Cebu 6024
i am planning to start mushroom planting in our province in tarlac…where can i find some references? Are there seminars for the mushroom farming?
Hi there!
You can inquire from Technology Resource Center at these numbers: 727-6205 loc. 208, 209 / 0928-5022684
Additional:
Upcoming seminars for MUSHROOM CULTURE & PRODUCTION TECHNOLOGY from Bureau of Plant and Industry
Schedules:
May 24-27, 2011, July 19-22, 2011, September 20-23, 2011
Contact person: Lina C. Lapitan
In-Charge, Mushroon Laboratory
02-525-7403
09204900704