Share this Story

aquarium fishMahilig ka ba sa pag-aalaga ng isda? Ito ba’y naging hobby mo na? Bakit hindi mo gawing business ang pag-aalaga at pagpaparami ng mga ornamental na isda? Ito ay magiging isang magandang negosyo kapag binigyan ng chance.

Ang pag-aalaga at pagpaparami ng mga ornamental na isda gaya ng gold fish, carp o koi sa aquarium ay isang magandang negosyo at ito ay nakakapagdulot pa ng kasiyahan sa tao.

Ang una, ang pag-aalaga at pagpaparami ng mga isdang nangingitlog (Egg- laying fish)

  • Mga kailangan sa pag-aalaga at pagpaparami
    fish egg layer

    • breeders
    • tangke, palaisdaan o aquarium
    • filtration at aeration
    • magandang kalidad ng tubig
    • pakapitan ng itlog tulad ng kakaban, tiles, paso at iba pa
    • pakain
  • Paraan ng Pagpaparami
    • Pagpili ng breeders
      • Malusog at walang kapansanan
      • May magandang hugis ang mga palikpik at katawan
      • May edad na isang taon at handa nang mangitlog
      • Paghiwalayin ang babae at lalaki sa loob ng 2 – 3 linggo
    • Paghahanda ng paanakan
      • Linisin ang tangke o aquarium, lagyan ng tubig, pakapitan ng itlog at aeration.
    • Pagpapaitlog (Pangangalaga)
      • Pagsamahin ang babae at lalaki sa bandang hapon
      • Alisin ang mga breeders pagkapangitlog
      • Palitan ng 20 – 40% ang tubig upang mabawasan ang lansa
      • Hintaying mapisa ang itlog. Alisin ang mga pakapitan at linising mabuti. Maaaring ibalik, kung kinakailangan, upang magsilbing taguan ng semilya.
      • Bigyan ng pagkain ang semilya kapag lumalangoy na.
      • Ilipat ang mga semilya sa mas malaking lalagyan upang mapabilis ang paglaki.
    • Pagpapakain
    • Pangangalaga
      • Panatilihing malinis ang tubig sa pamamagitan ng pagtanggal ng mga tirang pagkain at dumi.
      • Palitan ng 10-25% ang tubig
      • Iwasan ang sobrang pagpapakain
    • Pag-aani
      • Hulihin sa pamamagitan ng salok na yari sa pinong lambat.
      • Piliin, bilangin at ihiwalay ang babae sa lalaki. Ang malalaki at magandang klase ay maibebenta sa mataas na halaga.
      • Ikondisyon ang mga isdang pambenta sa loob ng 24 oras.
  • Prospektus sa 500m2 na pag-aalaga ng Goldfish
Tiyak na gastusin
1. Paghahanda at pagpapagawa ng palaisdaan
25,000.00
2. Motor pump
15,000.00
3. Oxygen tank
3,500.00
4. Scoop net (3 piraso @ P 100.00)
300.00
5. Palanggana (3 piraso @ P 100.00)
300.00
Kabuuan
P 44,100.00
Gastos sa operasyon
Bayad sa tagapag-alaga
a. stay-in @ 2,000/buwan
b. katulong 2 araw/buwan @ 150/araw

24,000.00
7,200.00
Breeders – 100 pcs
(40 babae at 60 lalaki) @ 50/piraso
5,000.00
Pakain (feeds)
a. breeders
b. sa mga semilya

3,000.00
5,000.00
4. Krudo at langis
10,000.00
5. Plastik bag 100 piraso
500.00
6. Rubber band 2kg. @ P 125.00/kg.
250.00
7. Timba (3 piraso @ P 100.00)
300.00
Kabuuang Gastos
P 55,250.00
Benta
1000 semilya(fry) kada inahin sa 2 beses na pangingitlog 70% ang buhay (survival)
56,000 fry (class A 35%, class B 65%)
19,600 class A (10cm)@ 5.00/pcs.
98,000.00
36,400 class B (5cm) @ 2.50/pcs.
91,000.00
Kabuuang benta
P189,000.00
Netong Kita
Kabuuang kita
P 189,000.00
Gastos
P 55,250.00
P 133,750.00
Balik Puhunan
P 133,750.00 ÷ P 55,250.00 X 100 = 242%

Ang pangalawa, ang pag-aalaga ng isdang nanganganak (fish live bearers)

Pagkakaiba ng babae at lalaking isda

Lalaki
Babae
Maliit at medyo payatMalaki at bilugang katawan
Masmakulay at may mahabang buntot at palikpikDi masyadong makulay
Matulis ang anal finMalapamaypay ang anal fin
“Gonopodium” ang tawag sa kasarian“Gravid spot” ang makikita sa anal fin

* Paraan ng Pagpaparami
platy-livebearers– Pagpili ng breeders

  • Pumili ng malulusog at agresibong breeders na may edad na apat na buwan.
  • Ikondisyon ng magkahiwalay ang babae at lalaki sa loob ng dalawang linggo.

– Pagpapakain

  • Bigyan ng pagkain na may mataas na protina tulad ng artemia, kiti-kiti, bulateng-kanal (tubifex worm).
  • Pakainin ng tatlong beses sa isang araw (umaga, tanghali at hapon)

– Paghahanda ng paanakan

  • Ihanda ang paanakan tulad ng kongkretong tangke, aquarium o palaisdaan.
  • Ilagay ang breeding cage sa loob ng paanakan.

– Paghuhulog

  • Ihulog ang mga breeders na may ratio na 1:5 (isang lalaki sa limang babae) sa loob ng breeding cage.
  • Hintaying manganak ang inahin sa loob ng 30 – 40 araw.
  • Kolektahin ang mga semilya at ilagay sa ibang lalagyan tulad ng aquarium, palaisdaan at tangke.

– Pangangalaga sa Kalidad ng Tubig

  • Panatilihing malinis ang tubig sa pamamagitan ng pagtanggal ng mga tirang pagkain at dumi.
  • Palitan ng 10-25% ang tubig.
  • Panatilihin ang temperatura ng tubig sa 26 – 300C.

* Pag-aalaga ng semilya

  • Paghahanda ng pag-aalagaan
  • Ilagay ang mga nakolektang semilya sa pag-aalagaan tulad ng palaisdaan, tangke o malalaking aquarium sa daming 200 – 250/m2.

– Batayan sa pagpapakain

Uri ng isda
Edad
Uri ng pakain
Dami ng pakain
Dalas ng pagpapakain
Guppies
Mollies
Platys
Swordtail
Unang dalawang linggoPulbos na pakain/artemiaPakaiinin hanggang sa mabusogTatlong beses sa isang araw
Dalawang linggo pataasPrawn feeds, fry mash, artemia, kiti-kiti, bulateng kanal

– Pangangalaga sa kalidad ng tubig

  • Panatilihing malinis ang tubig sa pamamagitan ng pagtanggal ng mga tirang pagkain at dumi.
  • Palitan ng 10-25% na tubig ang pinag-aalagaan.
  • Panatilihin ang temperatura ng tubig sa 26 – 300C.

– Pag-aani

  • Hulihin sa pamamagitan ng scoop net.
  • Piliin, bilangin at ihiwalay ang mga isdang may magandang kalidad.
  • Ikondisyon ang mga isda bago ibenta.

* Prospektus

Pagtataya
Dami ng ihuhulog na breeders40 breeders/m2
Proporsyon ng lalaki sa babae1:3
Bilang ng semilya65 fry/breeder
Dami ng ihuhulog na semilya sa palakihan250 pcs. m2
Isang cycle 3 mo./cycle @ 4 cycles/ year
Dami ng buhay na semilya80%
Tiyak na gastusin
Tangke
1 breeding tank (2X3m)
3 grow-out tank (3X3m)
30,000.00
Kagamitan
Air pump (180 W)
Breeding cage
3 pcs. 1X2 m
2 pcs. 1X1 m

6,000.00
400.00
Kabuuan
P 36,400.00
Gastos sa Operasyon
Breeders 80 pcs. @ P50.00/pc.
4,000.00
Prawn Feeds (PO1) P25 kilo
1,000.00
Scoop net
200.00
Plastic tub (2 pcs.)
1,000.00
Buckets (2 pcs.)
200.00
Water (52 weeks x 2 x 3.3m3 x P26.00)
8,923.20
Electricity (P388.00/mo. X 12 mos.)
4,656.00
Kabuuan
P 19,979.20
Kita
A. Kabuuang kita
3,120 pcs. guppies @ P7.00/pc. X 4 cycle
P 87,360.00
B. Netong kita
P 87,360.00 – P 19,979.20
P 67,380.80/yr.
Balik puhunan
67,380.80 ÷ 19,979.20 X 100 = 337%

Source: bfar.da.gov.ph
Photos: americanaquariumproducts.com

For more information, contact:
BFAR Region 4A
REGIONAL FISHERIES RESEARCH AND DEVELOPMENT CENTER
Inland Fisheries Research Station
Ambulong, Tanauan City, Batangas
Tel.: (043) 728-0043

Do you like raising ornamental fish? then please consider subscribing to our PINOY BISNES RSS feed. You can also subscribe by email and have new articles sent directly to your inbox.

One thought on “Aquarium (Raising Ornamental Fish) Business”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *