Ang alimango o mudcrab ay itinuturing na isang mahalagang pagkain mula sa dagat . Mainam pagkakitaan ito dahil masarap ang lasa kaya mataas ang halaga sa merkado. Ang buntis na alimango o gravid o pregnant na maraming itlog at aligue ay iniluluwas sa ibang bansa tulad sa Hapon, Tsina, Hongkong, at Taiwan. Naniniwala ang mga intsik na ang alimango ay may dalang katangiang gamot na makakabuti sa mga nagkakaedad at mga nagpapagaling sa sakit.
Uri ng Alimango
Hindi lahat ng nag-aalaga ng alimango ay alam kung alin ang pinakamagandang uri dahil sa biglang tingin, halos magkapareho ang anyo. Lingid sa ating kaalaman ang may pinakamataas na uri at pinakamahal ang presyo ay ang uring Scylla o mas kilala sa tawag na higanteng alimango o “king of crabs”. Ito ay may apat na uri: Scylla serrata, Scylla olivacea, Scylla traquebarica, at Scylla paramamosain.
Ang Scylla serrata ang pinakapaboritong alagaan ng mga magsasaka, madali itong palakihin at patabain. Mas mabilis lumaki ang uring ito. Ang iba ay tumitimbang ng 1 kg. pagkaraan ng 6 na buwan. Kapag palagian o regular na pinapakain, maayos itong nabubuhay sa dagat-dagatan of pond. Bihira itong naghuhukay sa putik o burrow kung kaya walang napipinsalang dike.
Ang maliit na alimango o crab seeds ay hinuhuli ng mga mangingisda sa tabing dagat at sa iba pang tirahan ng alimago, at ipinagbibili sa mga fishpond operators. Ang alimango ay pinalalaki sa tubig na pinaghalong tabang at alat o brackish water.
Maaring pagsabayin ang pag-aalaga ng alimango at bangus, subalit hindi ang alimango at sugpo dahil kinakain ng alimango ang sugpo kapag nagsimula nang magluno ang huli. Kailangan laging may mapagkukunan ng semilya o crab crab seeds sa lugar na pagtatayuan ng crab farm.
Pag-aalaga at Pagpapataba ng Alimango
A. Unang Paraan
1. Pumili ng lugar na may sapat na brackish water, 10-20 part per thousand [ppt] ng kaalatan.
2. Tiyakin ang uri ng lupa ay maputik mabuhangin o sandy nived at hindi malagkit.
3. Magsala-sala ng kawayan, dalawang metro ang taas parang banig. Ito ang ibakod sa dagat-dagatan. Itusok sa lupa ang kawayan, dalawang pulgada ang lalim ng pagkatusok para sa maayos na pagkatirik nito. Mula sa bukana ng dike, lagyan ng banatan o bamboo screen ang pangunahing dike upang hindi makawala ang alimango.
4. Patubigan ang dagat-dagatan, na may 50-70 metro ang lalim. Kailangan may maayos na daluyan ng tubig para mapanatiling malinis ang tubig.
5. Ilagay ang 2-3 piraso ng katang o batang alimango na may timbang na 10-15 gramo bawat isa. Sa bawat isa. Sa bawat ektarya kinakailangang maglagay ng 2,000-5,000 semilya o crab seeds.
6. (a) Hindi malaking suliranin ang pagkain sa mga semilya dahil kumakain ito ng lumot na tumtubo sa palaisdaan.
(b) Pakainin ang lumalaking alimango ng maliit na isda, tinatawag na transhfishes, 5-8% ang dami batay sa timbang ng alimango. Timbangin ang alimango kada 20 araw upang malaman ang tamang dami nang ipapakain.
7. Anihin ang alimango pagkaraan ng 90-120 araw.
B. Pangalawang Paraan
1. Alagaan ang alimango sa lugar na ang tubig ay may sapat na alat, 10-20 ppt salinity.
2. Gumawa ng bamboo cages, mga hawlang yari sa kawayan isang talampakan ang taas at isang talampakan din ang luwang.
3. Sa bawa’t hawla, lagyan ng alimangong may timbang na 150-200 gramo. Ilagay ito sa fishpond at alagaan ang mga alimango sa loob ng 15 araw.
4. Dalawang beses na pakainin ng 10-20 gramong “trashfishes” sa isang arw (isa sa umaga at isa sa hapon). Dagdagan kung kinakailangan.
5. Pagkalipas ng 15 araw, mapupuna na ang balat nito sa likodo carapace ay 12-15 sentimetro na ang lapad. Ang bawat alimango ay tumitimbangng mga 250-300 gramo. Ito ay palatandaan na ang mga alimango ay maari nang anihin at ipagbili.
Pag-aani
1. Handa nang ipagbili ang mga alimango kapag ang isa o dalawang piraso ay tumitimbang ng isang kilo.
2. Ang alimango ay hinuhuli sa pamamgitan ng bintol (traps), panukot (hooks), sakag (scissor net) at pante (gill net).
3. Ang mga alimango ay ipinagbibili ng buhay at puwedeng manatiling buhay kahit wala sa tubig ng pitong araw. Kailangan lamang na panatilihin sa mahalumigmig na lagayan at palaging basain ang alimango.
4. Talian ang mga alimango ng tuyong dahon ng sasa magkabilang sipit malapit sa tiyan.
Source: Department of Agriculture
Basahin: The Mudcrab Production and Farming
Nagustuhan mo ba ang artikulo? Maaari ka ng mag-subscribe sa aming PINOY BISNES RSS feed upang makuha ang susunod na mga bagong artikulo.
Salamat po sa kaalaman,nagumpisa na po ako ng pagaalaga ng alimango
very good, good reference for beginners
panu po b maiwasan n mag malnorish ang alimango
San po nabibili ang semilya ng king crab
Paanu po ba maramihin ang alemango ? Pwede po ba eto paramihin sa aquarium? O sa dagat LNG eto pwede mamisa?
Thanks for sharing
Thank you sir And keep it up More Post And Its A Awesome Web page sir Thank You So Much ,
good post sir thank so much
mag kanu ba naiibinta ang alimango sa market ngaun
Ano po baang tamang alat ng tubig para sa sugpo?
Salamat po sa article na to, may katanungan lang po ako, pwede po bang pagsabayin sa pag-aalaga ang sugpo at bangus?
-marc
tnx