tilapia cultureAng teknolohiyang ito ay naglalayong makapag-alaga ng maraming isda sa maliit na lugar sa pamamagitan ng intensibong pagpapakain, patuloy na aeration at daloy ng tubig para sa kailangang hangin at pagtanggal ng mga dumi.

Mga pakinabang sa intensibong pag-aalaga sa bilog na tangke

– magandang kalidad ng isda
– mataas na ani
– kailangan lang ng maliit na lugar
– mataas na kontrol sa mga parametro ng tubig
– mabilis na pag-aani at pagpapakain

Dalawang sistema sa intensibong pag-aalaga sa tangkeng bilog

1. Flow-through- tuloy-tuloy na pagpapapasok at pagpapalabas ng tubig sa tangke
2. Recirculating- tuloy-tuloy na pagpapapasok at pagpapalabas ng tubig sa tangke; ang lumalabas na tubig ay sinasala upang gamitin muli

Mga kritikal na prosesong kailangan sa sistemang recirculating

– hangin (para sa oksiheno)
– clarification– kung saan tinatanggal ang mga solidong dumi
– biofiltration– tinatanggal ang ammonia, nitrite at nitrate
– degassing– pag-aalis ng carbon dioxide

Mga kailangang sistemang functional

Panatilihin ang mga sumusunod:

– temperature– 24 to 320C
– dissolved oxygen – 5 to 10 mg/L
– carbon dioxide – 0 to 30 mg/L
– pH- 6 to 8
– ammonia– 0 to 0.04 mg/L

Dapat sapat at patuloy ang daloy ng tubig upang gumalaw sa bilis na kalahati hanggang dalawang beses ng haba ng isda kada segundo.

Maghulog ng 100-150 isda/m3

Hugis ng tangke

Maraming hugis ng tangke na ginagamit ayon sa pangangailangan; may bilog, pahaba at parabilog. Kalimitang ginagamit ang tangkeng bilog kung saan ang kabuuang tubig sa loob ay napapaikot ng pumapasok na tubig. Lumalabas ang tubig sa pamamagitan ng stand pipe o labasang butas na nasa gitnang ilalim.

Kahalagahan ng bilog na tangke

– Mabilis ang pag ikot ng tubig
– Madaling pagpapakalat ng pakain
– Nakapaglilinis ng sarili
– Walang stratification o pag-iiba ng mga parametro ng tubig

Pakain
Gumamit ng lumulutang na uri ng pagkaing kumersyal dahil sa mga sumusunod:
– makikita kung busog na ang mga isda
– hindi madaling malusaw sa tubig
– madaling tanggalin ang sobrang pakain
– nakatutulong masugpo ang di magandang lasa ng inaalagaang isda

Dami at dalas ng pagpapakain

– Sa unang anim na linggo, magbigay ng 10% ng timbang ng isda na hinati sa apat na beses isang araw
– Sa ikapito hanggang ikalabindalawang linggo, magbigay ng 8% sa apat na beses na pagpapakain isang araw
– Mula ikalabimpitong linggo hanggang anihan, magbigay ng 5% sa apat na beses na pagpapakain sa isang araw

Daily Feed Ration (DFR) = ABW x N x FR o Timbang ng isda x bilang ng isda x porsiyento ng pakain
Halimbawa: Para ang dami ng pakain na dapat ibigay sa isang araw kung ang timbang ng bawat isda ay limang gramo at may 1,050 isdang inaalagaan

DFR = 5 g x 1,050 piraso x 10% = 525 g/araw

525 g/araw/4 beses na pagpapakain = 131.25 g ng pakain/pagpapakain


Prospektus ng Konkretong Tankeng Bilog

Pagtataya
Diyametro (m)
3.0
Lalim ng Tubig (m)
1.0
Dami ng Tubig (m3)
7.0
Dami ng stock
150 piraso/m3
Laki ng isdang ihuhulog
25 g
Kabuuang dami ng isda
1050 pirasong red tilapia
Tagal ng pag-aalaga
4 buwan
FCR
1.5:1 (1.5 kg. pakain sa 1 kg. isda)
Dami ng mabubuhay
90%
Gastusing di-natitinag
Konkretong tangke at mga aksesorya
P 15,000.00
Ring blower (75 w)
4,500.00
Kabuuan
P 19,500.00
Gastos sa operasyon
Semilya 1050 piraso x P 3.00@
3,150.00
Pakain (283.5 kg x P 21.00/kg)
5,953.50
Kuryente 216 kwh x P 2.478/kwh
535.00
Tubig 700 li/araw x 120 araw x
P 27.00/m3
2,268.00
Kabuuan
P 11,906.50
Kita
189 kg inaasahang ani x P 100.00/kg
P 18,900.00
Linis na Kita
P 6,993.50
Balik Puhunan
58.7%
Sambot Presyo
P 62.99

Source: bfar.da.gov.ph

For more information, Contact:

BFAR Region 4A
REGIONAL FISHERIES RESEARCH AND DEVELOPMENT CENTER
Freshwater Fisheries Research Station
Bambang, Los Baños, Laguna
Tel.: (049)827-3612
Fax: (049)536-8206
e-mail: region4a@bfar.da.gov.ph

Do you like raising tilapia in tank? then please consider subscribing to our PINOY BISNES RSS feed. You can also subscribe by email and have new articles sent directly to your inbox.

4 thoughts on “Pag-aalaga ng Tilapia sa Tangke”
  1. magandang araw po gusto kopong mag alaga nang tilapia sa drum lang po maliit lang kasi ang space ko sa bahay saan po ako makakabili ng semilya nang tilapia???

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *