Ang pagpasok sa kahit anong uri negosyo ay mahirap, lalo na kung wala kang kaalaman sa industriyang nais mong pasukin. Kailangan ng masusing pag-aaral tungkol sa nasabing industriya upang maiwasan ang mga hindi kanais-nais na pangyayari tulad ng mga scam na maari namang maiwasan. Isa sa mga industriyang kailangan ng masusing pag-aaral ay ang Forex trading Philippines.

Kung ninanais mong mag-umpisa sa Forex trading sa Pilipinas, narito ang mga bagay na iyong dapat gawin upang makapag-umpisa.

peso forex trading

Ihanda ang mga kinakailangan upang makapagsimula sa Forex trading.

Katulad ng ibang negosyo, may mga kinakailangang ihanda upang makapagsimula sa Forex trading tulad ng:

  • Maayos na kompyuter
  • Mabilis na internet connection
  • Dollar account sa pinakamalapit na bangko sa inyo
  • Minimum amount

Ang naunang dalawang kinakailangan ay maaring mayroon ka na ngunit kung wala pa ay siguraduhin na magkaroon nito. Ito ay mahalaga dahil sila ang paraan upang mai-aaccess ang iyong trading platform.

Ang dollar account naman ay kinakailangan dahil ikaw ay maglilipat ng salapi sa mga bangko sa ibang bansa. Ito ang pinakamadaling paraan upang magawa ito. Ngunit kung hindi ito posible, mayroon din mga ibang paraan upang makapasok sa Forex trading. Maaring subukan ang social trading at gumamit ng Paypal account para sa deposits at withdrawals.

Kasama sa pagbukas ng account ay ang pagkakaroon ng minimum amount for deposit. Bukod sa kailangan ito sa pagbukas ng account, kinakailangan rin ito ng mga Forex brokers para makapagsimula ka sa Forex trading.

Ang puhunan na kinakailangan upang makapagsimula sa Forex trading ay hindi ganoon kalaki—madalas ay ito ay nasa $100 hanggang $10,000. Isa pang maaring gawin ay lakihan ito upang magkaroon ng buffer kung sinasakaling ikaw ay malugi.

Hindi ito nangangahulugang ang buong halaga ay gagamitin ngunit ito ay para lamang makasiguradong hindi ka mapilitang umalis sa isang transaksyon na kadalasang nangyayari sa mga account na maliit lamang ang laman na halaga.

Humanap ng makapagtitiwalaan at lehitimong Forex broker.

Ang industriya ng Forex trading ay ginagawa online kaya karamihan ng mga Forex brokers na ito ay galing sa ibang bansa. Ngunit, sila ay maaring tumanggap ng mga Forex traders galing sa Pilipinas kung sila ay makapagbibigay ng mga kinakailangang dokumento.

Dahil ito ay ginaganap online, nararapat mong maintindihan na may kaakibat na panganib ang Forex trading at kahit anong online na transaksyon na may kinalaman sa salapi. Dahil dito, mahalaga na magsaliksik ng mabuti upang makahanap ng mga lehitimong Forex broker na iyong mapagkatitiwalaan.

peso trading

Subukan ang kanilang demo account.

Ang isang demo account ay isang trading account na maaring gamitin upang makita kung ano ang magiging resulta ng isang trade kung totoong pera ang ginamit. Ito ay isang bagay na makatutulong sa’yo upang masubukan ang Forex trading bago ka pa gumamit ng totoong salapi.

Ito rin ay isang paraan upang iyong masubukan ang trading platform ng napili mong Forex broker.

Anu-ano pa ang maaring gawin upang maging matagumpay sa Forex trading?

●  Humingi ng payo o pag-aralan ang estratehiya ng Forex trading.

Bukod sa pagsubok ng demo account, maari ka rin humingi ng payo mula sa mga Forex trainers at pag-aralan ang mga estratehiya sa Forex trading. Bagamat kinakailangan mo pa rin bumuo ng sarili mong istilo sa Forex trading, ang paghingi ng tulong at payo sa mga propesyonal ay makatutulong sa iyo, lalo sa simula.

●  Sanayin muna ang sarili sa Forex trading ng ilang buwan.

Bago ka sumabak sa mundo ng Forex trading gamit ang totoong salapi, sanayin mo muna ang iyong sarili sa industriyang ito sa loob ng ilang linggo o buwan. Ito ay dahil malaking bagay ang kaalaman at karanasan sa Forex trading.

●  Alamin kung tama ba ang iyong ginagawa.

Pagkatapos ng ilang buwan ng pagsasanay, ito na ang tamang panahon upang sumabak sa paggawa ng live trades. Mahirap man, lalo’t totoong salapi na ang gamit, ay maari ka pa rin maging matagumpay kung tama ang iyong mga estratehiya.

Konklusyon

Noon, ang industriya ng Forex trading ay iniisip na para lamang sa mga mayayaman. Subalit, ang pagbaba ng halaga na kinakailangan upang makapasok at ang pagtatatag ng iba’t ibang mga Forex broker ay nakatulong sa madaling access nito ng mga ordinaryong mamamayan.

Katuwang ang tamang pag-aaral at pagpapahusay ng kaalaman at karanasan sa Forex trading, maaari kang maging matagumpay sa mga trades o transaksyon mo.

One thought on “Paano Mag-Umpisa sa Forex Trading sa Pilipinas”
  1. as a beginner and no experience at all in forex trading I want to venture in forex trading,salamat sa mga advices ninyo at kindly publish issues na step by step to join legit forex trading expert names to be contacted to learned from them for free.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *