Share this Story

business accountingKapag ikaw ay nagbukas ng iyong sariling negosyo, isang bagay ang totoo na dapat mong malaman- ang pera ay mahirap sa unang mga taon ng iyong negosyo. Ito ang mga panahong umaayos pa ang iyong negosyo sa maraming bagay kabilang d’yan ang paghawak sa iyong pananalapi. Ngunit kung mayroong isang bahagi sa iyong negosyo na nangangailangan ng propesyonal na tulong, ito ay sa iyong taga-ayos ng kuwenta (accountant).

Ito ay importante lalo na kung ikaw ay magsisimula ng isang limitadong kumpanya. Ang paghahawak sa pera lalo na sa trabahong tax codes, tax liabilities at iba pa ay lubhang masilan at mahirap kung hindi mo alam kung ano ang iyong ginagawa. Importante sa isang negosyante na mayroong isang accountant na maaaring tumulong para sa ikalalago ng negosyo.

Ang mga ganitong trabaho ay maaari mong ipagkatiwala sa  iyong accountant. Humanap ng isang maaasahang accountant at sa ganito ikaw ay makakapag-isip pa sa ibang bagay at mga ideya sa kung papaano mapalago ang iyong negosyo.

Ang isang magaling na accountant ay hindi lamang nand’yan para punuin ang mga corporate tax return na trabaho at panatilihing legal ang negosyo. Sila rin ang magbibigay ng payo kung paano panatilihin ang maraming bilang ng iyong kinita at sila rin ang maghahanap ng paraan kung paano matitipid ang pera. Ang magaling na taga-ayos ng kuwenta ay yaong marunong magtipid kaysa maggastos.

Dapat kang humingi ng tulong sa isang pinagkakatiwalaang accountant na may isang mabuting reputasyon bago mo pa man na simulan ang iyong kumpanya. Sila ay dapat na ganap na kwalipikado bilang isang sertipikadong taga-ayos ng kuwenta.

Tanungin ang mga ito para sa katibayan ng karanasan sa paghawak ng mga negosyo na katulad ng sa iyong sarili, hindi lamang sa laki ng kumpanya na kanilang ng nahawakan kundi pati sa mga tuntunin ng sektor. Maraming mahahanap na mga accountant sa maliliit na accounting firm para sa iyong negosyo.

Katulad nito, kung ikaw ay nasa malayo, tiyakin na sila ay ang mga uri ng tao na madaling kausapin at pakisamahan at higit sa lahat ay iyong mapagkakatiwalaan. Mas mahusay pa rin na magtanong sa mga kaibigan na nagpapatakbo ng isang negosyo para sa mga rekomendasyon.

Alamin kung paano ang iyong pagbabayad sa bagong accountant. Maaari itong maging isang buwanan o taunang bayad, o sila ba ay orasan kung bayaran? Maaari kang kumunsulta sa ibang mga firms kung magkano ang karaniwang binabayad sa isang accountant. Kung kinakailangang gumastos ng hindi mahal maaari kang kumuha ng isang independenteng bookkeeper para gawin ang mga aktwal na mga papeles (sila ay karaniwang mas mura kaysa sa accountants’ bookkeeping services).

Importanteng alamin ang tungkol sa kung anong mga serbisyo ang kanilang iniaalok. Sila ba ay humahawak ng kumpletong trabaho mula sa  corporate tax returns, bookkeeping hanggang sa mga pagpapayong pinansyal? Tandaan na kung mas marami silang alam tungkol sa paghawak ng negosyo, ito ay mas mabuti para sa ikakalago ng iyong kumpanya.

Higit sa lahat, siguraduhin na palagi kayong may komunikasyon ng iyong accountant sa buong taon sa halip na isang beses lamang sa isang taon makipag-ugnayan sa inyo. Tandaan na dapat mabilis gumawa ng trabaho ang iyong accountant dahil hindi s’ya makapagbibigay ng magandang payo kung hindi sya aabot sa bilis ng progreso ng iyong negosyo.

Do you like this Money Making Business Idea? then please consider subscribing to our RSS feed. You can also subscribe by email and have new articles sent directly to your inbox. (Once you entered your e-mail address, you need to login to your e-mail account and click the link to confirm your subscription).

5 thoughts on “Accounting”
  1. kailangan ba pag nag take ka ng BSA na course ay mgaling ka sa english speaking??ung lht ng engish alm mo??

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *