Ang pagtatayo ng sariling negosyo ay isang malaking oportunidad sa buhay na dapat nating matutuhan. Lahat ng tao ay naghahangad na kumita ng malaki sa pamamagitan ng pagnenegosyo. Hindi sapat na may kapital ka lang ay pwede ka nang magtayo ng negosyo. Sa pagtatayo nito maraming mga bagay ang dapat isaalang-alang upang masiguro ang paglago nito.
Hindi lamang tungkol sa tagumpay at kumita ng pera ang hatid ng pagnenegosyo, kundi pati na rin sa kung anong mga aral sa buhay ang ituturo nito na dapat nating matutunan. Makasisiguro tayo na sa pagtatapos ng taong ito ay magiging matagumpay tayo sa ating negosyo.
Ngunit ito ay hindi lamang mahalaga sa pagkakaroon ng kamalayan sa sarili at negosyo, dapat mo ring malaman ang tungkol sa iyong mga kakumpitensiya. Dapat mong itanong sa sarili, kilala mo na ba kung sino ang iyong mga kakumpitensiya? Ano ang kanilang mga kahinaan? Saan sila kumukuha ng lakas? Tandaan na ang pananaliksik sa iyong mga kakumpitensya o katunggali ay isang patuloy na proseso na hindi dapat kaligtaan, sa aspetong ito maraming mga negosyante ang nabigo at nalugi sa negosyo dahil hindi nila alam kung sino ang kanilang kakumpitensya.
Ang pagtatalaga ng tamang oras ay isa ring sangkap na kailangan sa ikatatagumpay ng negosyo. Kailangan mong maging handa dahil sa ang iyong nakasanayan na dating 9- 5 oras na trabaho ay mapapalitan ng mas mahabang oras, siguro ito’y sa mga ilang buwan lamang na pagsisimula ng negosyo.
Kailangan ninyong maging handa na ilagay ang mga personal na buhay sa tamang lugar. Maraming mga pagbabago na magaganap sa iyong buhay na dapat mong unahin sa pagkakaroon ng isang negosyo. Dapat maging handa ka sa lahat ng pagkakataon. Kailangang magsakripisyo muna upang masigurado ang ikatatagumpay ng negosyo. Ito ay isa sa mga ilang downsides ng pagkakaroon ng sariling negosyo, ngunit alam mo na hindi matutumbasan ang kasiyahan kung makita mo nang naging matagumpay ang iyong negosyo.
Ang pera ang pinaka-importante sa pagsisimula ng isang negosyo. Siguradohing may sapat na pera upang ipang gastos sa mga bagay na kakailanganin sa negosyo- mula sa mga pagrehistro nito, bayad sa lugar na napili at mga gamit na kailangan.
Sa paghahanap ng karagdagang kapital, maaari kang magharap ng isang mahusay na balangkas ng iyong plano sa negosyo (business plan) sa inyong bank manager. Humingi ng tulong sa bangko kung kinakailangan. Mas mainam na masiguradong hindi ka magkakaroon ng malaking utang bago pa man maumpisahan ang iyong negosyo.
Ngunit kahit na ang paghahanap ng pondo ang pinakamahirap na gawin sa una, mas mabuti kung humingi ka ng tulong sa mga taong iyong pinagkakatiwalaan o sa mga taong makakatulong sa pagpapalago ng iyong negosyo. Hindi mo kailangang solohin lahat ng trabaho kung sa tingin mo ay hindi mo kaya. Isiping mabuti ang iyong lakas at kahinaan at maghanap ng tao na kung saan sila ay dalubhasa sa ilang mga bagay sa pagpapatakbo ng negosyo.
Mas mainam din na magkaroon ka ng dalawang propesyonal na makakatulong sa iyo sa mga unang taon ng negosyo – isang accountant at isang taga-payo sa negosyo. Ang mga taong ito ang magsisiguro na tama ang pagpapatakbo ng iyong negosyo.
Ang mga ekspertong ito ang s’yang magsasabi kung ano ang hindi at dapat sa negosyo. Hindi masamang makipag-usap o humingi ng tulong sa mga taong alam mong eksperto sa larangan ng pagnenegosyo. Sila ang magtuturo sa iyo ng tamang mga hakbangin na dapat gawin sa ikatatagumpay ng negosyo. Maaari mong gamitin ang kanilang naging karanasan sa pagpapatakbo ng sariling mong negosyo. Importante parin ang pagkakaroon ng magandang relasyon at tiwala sa mga taong ito na alam mong may magandang maitutulong sa iyo.
At kung, pagkatapos ng lahat ng ito, ay naisip mo na handa ka na at talagang para sa iyo ang negosyong ito, kailangan mo na ngayong isipin kung anong klaseng negosyo ang gusto mong pasukin. Gusto mo ba ng nagsosolong negosyante, mag set up ng isang limitadong kumpanya o bumuo ng isang samahan?
Do you like this Money Making Business Idea? then please consider subscribing to our RSS feed. You can also subscribe by email and have new articles sent directly to your inbox. (Once you entered your e-mail address, you need to login to your e-mail account and click the link to confirm your subscription).
Who is the author of this post? Please answer asap for right citation of source.
Dear sir,
Nais kung magtayo ng talyer sa light and heavy equipment.isa akung magaling na mekaniko
Pano po ako magsimula at magkano capital
Salamat po,
Roger luana
i want to start a business store in my house,how to start,i don’t know how to start…
kailangan kong subukan ang lahat ng inyong advice..
I REALLY LIKE VISITING YOUR SITE.
thanks for visiting! 🙂
your articles are a big help to me