Tulad sa isang labanan, hindi ka maaaring makipaglaban ng hindi nagpaplano, ng walang istratehiya o armas na iyong gagamitin. Sa pagnenegosyo ay gayundin, ito ay kailangang mapaghandaan ng sa gayon ay hindi masayang ang iyong panahon, oras, trabaho at higit sa lahat ang iyong pera. Kaya’t mahigpit na ipinapayo ng mga negosyante na kinakailangan mayroon kayong pagpaplano sa negosyo.
Sa artikulong ito, inyong malalaman ang mga iba’t- ibang istratehiya na maaari n’yong gamitin sa pagpapaunlad ng inyong negosyo at papaano ito mapagtatagumpayan.
Sa pagtatayo ng negosyo, dapat itanong sa sarili:
a. Paano magiging kakaiba ang aking negosyo?
b. Mayroon bang appeal o dating ang aking mga produkto o serbisyo sa aking kustomer?
c. Ano ang aking pangunahing advantage over sa aking mga kakumpitensya?
d. Ano ang mayroon sa aking negosyo na dapat ito ang tangkilikin ng mga kustomer?
e. Papaano ko mahihikayat ang mga tao upang maging regular na kustomer ko?
Sa pagsisimula ng isang negosyo dapat ninyong tandaan ang mga sumusunod:
1) Tukuyin kung ano ang iyong negosyo, ang misyon at bisyon nito. Ang mga sumusunod na katanungan ay makakatulong sa pagbuo ng inyong misyon at bisyon sa negosyo.
a. Sino ang aking kustomer?
b. Anong uri ng aking negosyo?
k. Ano ang mga produkto o serbisyo na aking mga ibinebenta?
d. Papaano ko mapapalago ang aking negosyo?
e. Ano ang mga kahinaan at kalakasan ng aking negosyo?
2) Isulat ang iyong mga layunin sa negosyo. 1) Maaari kayong gumawa ng isang maikling layunin o short term goal. Ito ay mula sa anim na buwan hanggang 12 na buwan. 2) O di kaya isang Mahabang layunin o long term goal. Ito ay mula naman sa ikalawang taon ng negosyo pataas.
3) Alamin at unawain ang inyong kustomer. Dapat alamin kung ano ang mga pangangailangan ng iyong kustomer at kung maaari mo ba itong matugunan sa pamamagitan ng iyong produkto o serbisyo. Sa pamamagitan nito, hindi ka na mahihirapang alamin kung ano ang mga dapat mong ibenta sa iyong mga kustomer. Maaari kang magtanong sa mga tao sa inyong lugar o magsaliksik upang malaman ang kanilang mga pangangailangan. Alamin kung may maganda bang maidudulot ang iyong negosyo sa pang araw-araw na pamumuhay ng mga tao. Tandaan: ito ay pangangailangan at gusto ng iyong mga mamimili. Hindi kinakailangan na kung ano ang gusto mo.
4. Matuto sa iyong mga kakumpitensya. Bilang nagsisimula sa negosyo, malaki ang maitutulong ng pagmamasid sa iyong mga kakumpitensya sa kung paano nila pinapangasiwaan ang negosyo. Sa ganitong paraan makikita n’yo kung ano pa ang maaari nyong magawa upang matugunan ang inyong mamimili.
5. Pinansyal na bagay. Ito ay importante na malaman kung paano kayo kikita ng malaki sa negosyo. Alamin kung paano mapataas ang kita at tubo ng inyong negosyo. Dapat n’yong malaman ang daloy ng pera sa inyong negosyo upang masiguro na hindi magkakaproblema dito.
6. Alamin ang inyong Marketing Strategy. Mayroong apat na paraan na maari n’yong gawin:
1) Alamin ang lahat ng inyong target na market. Ang target market n’yo ba ay mga bata, estudyante, pamilya o mga propesyonal?
2. Sa mga potensyal na target market ninyo, alamin ang pinaka “the best” na grupo na magiging kustomer ninyo. Ang pangunahing layunin dito ay upang maiposisyong mabuti ang iyong negosyo ayon sa iyong target na market.
3. Alamin ang iyong mga istratehiya, mga pamamaraan sa negosyo upang, na kapag pinagsama, ay maaaring makapagdulot ng malaking kita.
4. Subukan ang iyong mga istratehiya at paraan. Sa ganitong paraan, iyong makikita kung anong mga istratehiya ang epektibo at hindi para sa iyong negosyo.
Maaaring basahin ang buong artikulo i click lang ang link na ito “Business Start up Strategy” sa panulat ni Greg Balanko-Dickson. Ito ay sa englis na bersiyon.
photo: dankoflaw.com