Solong Negosyante
Ang pagiging isang nagsosolong negosyante ay ang pinakamadaling paraan upang makapagsimula sa negosyo. Kapag ikaw ay may pahintulot sa ahensiya ng pamahalaan ng inyong intensyon na magsosolong negosyo, maaari mo ng simulan kaagad ang pagnenegosyo (depende sa anumang mga lisensya na maaaring kailangan sa iyong negosyo).
Ito ang madalas na negosyong istruktura ng maliliit na negsoyante dito sa Pilipinas. Sa istrukturang ito, malayang napangagasiwaan ng may-ari ang kanyang negosyo. Kanya ang lahat ng trabaho mula sa administratibong pamamalakad hanggang sa pangangasiwang pinansyal. Ang lahat ng kita sa negosyo ay napupunta sa may-ari. Anumang problemang kakaharapin walang ibang gagawa nito kundi ang may-ari lamang kaya’t mahigpit na ipinapayo ng mga bihasa na sa negosyo na kailangang ang may-ari ay matuto rin sa pamamalakad pinansyal ng negosyo. Huwag dapat itong pabayaan upang hindi malugi ang iyong negosyo.
Sa ganitong uri ng istruktura kapag nais mong gumawa ng mga pagbabago sa iyong negosyo ay hindi nangangailangan ng maraming mga papeles at ikaw na rin ang may kumpletong kontrol sa iyong pananalapi.
Ang pangunahing panganib dito ay kung magkakaroon man ng malaking problema sa pangpinansyal na aspeto o anumang mga problema na darating sa negosyo ay ikaw at ikaw lamang ang mananagot dito. Ang mga taong iyong pinagkakautangan ay maari nilang kunin ang iyong personal na mga ari-arian tulad ng iyong bahay bilang pang tubos dito.
Limitadong Kumpanya (Limited Company)
Marami ring mga negosyante ang pinipili ang istrukturang limitadong kumpanya. “Limitado” ay nangangahulugang ang pondo ng kumpanya ay hiwalay mula sa iyong sariling mga personal na pera, hindi katulad sa mga nagsosolong negosyante. Na kung malugi man ang iyong kumpanya, pera lamang ng kumpanya ang mawawala, hindi ang iyong personal na mga ari-arian. Subalit, bilang direktor ng isang limitadong kumpanya, ikaw ay maaaring maging isang tagapanagot para sa pautang na ibinigay para sa iyong kumpanya.
Upang makakuha ng pera sa kumpanya, ikaw ay dapat na maging isang empleyado ng kumpanya at mabayaran ang alinman bilang isang suweldo, o sa pamamagitan ng paglaan ng kita (na kilala bilang dividends). Maraming negosyante ang pinipili ang ganitong uri ng istruktura dahil mas propesyonal itong tingnan at mas kaunti ang panganib kung kailangan mong bumili ng isang pulutong na mga kagamitan o dalhin sa mga mamahaling lugar, tulad ng isang malaking tindahan.
Pagkakasosyo
Ang Pagsososyong istraktura ay nag-aalok pa ng iba pang pagpipilian para sa mga tao na gustong magnegosyo na may isang partner o dalawa. Ang magpartner ang may parehong pananagutan kung magkaroon man ng magiging problema sa negosyo. Sila rin ang maghahati-hati sa anumang kita ng kanilang negosyo. Ang magpartner rin ang magbabayad ng anumang buwis sa lahat ng mga kita para sa gobyerno. Hindi tulad ng isang limitadong kumpanya, ang pagsososyo na ito ay walang legal na kalagayan, ito ay isa lamang di-komplikadong paraan ng pag-uugnay ng dalawa o higit pang mga tao na sama-sama sa isang negosyo. Kung ang isa ay tumiwalag na sa negosyo o may namatay na partner, ang pagsososyo ay kailangan ding ibuwag sa dahilang wala itong legal na istado.
LLP
Ang Limited Liability Partnership (LLP) ay katulad ng isang normal na kasosyo, ngunit ang bawat kalahok ay may mababang pananagutan para sa utang ng negosyo. Ang opsiyon na ito ay nangangailangan ng mas malaking administratibong trabaho, kasama na rito ang trabahong katulad ng sa isang limitadong kumpanya at ito ay karaniwang ginagamit ng mga solisitor at accountants.
Kooperatiba
Ito ay isang rehistradong samahan ng mga tao, na binibigkis ng iisang layunin at interes, na kusang-loob na umanib sa samahan, nagbibigay ng kinakailangang kontribusyong kapital at pagtanggap ng ilang bahagi ng mga panganib at mga benepisyo ng trabaho alinsunod sa mga pinsipyo ng kooperatiba.
Sa pagtatayo ng isang kooperatiba, ikaw ay kinakailangang magbahagi ng iyong pera, human resources, talento at kasanayan upang ito ang inyong maging kapital, at magtulungan upang makabuo ng karagdagang mga kalakal at mapataas ang kikitain. Sa pamamagitan ng mga kooperatiba, maaari kang maghanap sa iba ng mga pagmumulan ng mga pautang sa mas mababang interes sa halip na humiram mula sa mga impormal na nagpa-pautang.
Mahigpit na ipinapayo na dapat makipag-usap sa isang accountant o taga-payo sa negosyo kung anong uri ng istruktura ang nababagay sa iyo at nararapat na maging negosyo upang masiguradong mapagtagumpayan ng pangmatagalan ang itatayong negosyo.
Do you like this Money Making Business Idea? then please consider subscribing to our RSS feed. You can also subscribe by email and have new articles sent directly to your inbox. (Once you entered your e-mail address, you need to login to your e-mail account and click the link to confirm your subscription).
Yes, that exactly what I
wanted to hear! The information and the detail were just
perfect. I think that your perspective is deep, its just well
thought out and really fantastic to see someone who knows how to put these
thoughts down so well. Perfect post… Yes, that exactly what I
wanted to hear! The information and the detail were just
perfect. I think that your perspective is deep, its just well
thought out and really fantastic to see someone who knows how to put these
thoughts down so well. Perfect post…