Share this Story

Mga Buwis na Dapat Malaman sa Isang Negosyo

Isa sa mga responsibilidad ng isang nagnenegosyo ay ang pagbayad ng buwis sa gobyerno. Masakit mang isiping pagkatapos ng lahat ng iyong hirap at pagod ay ibibigay mo ang ilang bahagi ng iyong kita sa gobyerno. Ngunit hindi naman ito masama dahil ipinapakita mo lamang na ikaw ay isang responsableng mamayan at negosyante ng iyong bansa.

Ang binabayarang buwis at sustentong makukuha ay nagdedepende sa uri ng istruktura ng iyong negosyo, kung ikaw ba ay isang nagsosolong negosyante o nagpapatakbo ng isang limitadong kumpanya at kung ikaw ay nag-eempleyo ng mga tauhan sa iyong negosyo.

Dahil sa kasalimuotan ng pagbubuwis sa negosyo, ipinapayo na ang sinumang nagsisimula sa negosyo ay mas mabuting mag-upa ng isang taga-ayos ng kuwenta (accountant). Sila ang maaaring magpaliwanag kung paano ka bubuwisan ng gobyerno ayon sa uri ng istruktura na iyong pinili at anumang ibang mga bagay na may kaugnayan sa iyong negosyo.

Maaaring komunsulta sa Kagawaran ng Rentas Internas (BIR) para sa mga uri ng buwis na babayaran at pagrehistro dito.

Insurance sa Negosyo

Isa pa ring mahalagang aspeto sa pagkakaroon ng negosyo ay ang masiguro ang seguridad ng iyong negosyo laban sa mga hindi magandang pangyayari. May mga ilang mga patakaran at legal na mga kinakailangan sa pagkuha ng isang insurance. Gaya ng palaging pinapayo, humingi ng tulong mula sa isang taga-payo sa negosyo tulad ng iyong accountant o abogado sa iyong partikular na mga pangangailangan.

Narito ang mga iba’t ibang mga uri ng insurances na kadalasang kinakailangan ng mga maliliit na negosyo.

Pampublikong pananagutan

Ito ay proteksyon mula sa mga ikatlong partido (third party claims) sanhi ng pinsala o kamatayan, o pinsala na nagawa sa mga ari-arian bilang isang direktang resulta ng iyong gawain sa negosyo. Ito ay isang kinakailangang pagseseguro na kung saan ang mga miyembro ng pampubliko, mga kliyente o mga mamimili ay bumibisita sa paligid na lugar ng iyong negosyo.

Pananagutan ng Employer

Malinaw naman na ito ay sumasaklaw lamang sa mga tauhan o empleyado ng iyong negosyo na mula sa aksidente o pagkakasakit. Ito ay sumasaklaw lamang sa mga empleyado. Hindi mo na kailangang kumuha ng insurance na ito kung ikaw ay nag-iisang empleyado ng kumpanya.

Propesyonal na bayad-pinsala

Ito ay tunay na para sa mga negosyo na naghahatid ng isang serbisyo, tulad ng accountancy o legal na representasyon. Ito ay isang legal na kinakailangan para sa mga accountants, ngunit para sa iba, tulad ng isang IT consultancy, ito ay mataas na inirerekomenda para sa kapayapaan ng isip. Muli, humingi ng propesyonal na pagpapayo kung ito ay kinakailangan sa iyong negosyo.

Sa maikling salita, ang Propesyonal na bayad-pinsala ay pumoprotekta sa iyong negosyo mula sa mga legal na aksyon na pinagduldulan ng mga kliyente sa mga isyu tulad ng pagpapabaya, paglabag ng anumang legal na kinakailangan, pagkawala ng mga dokumento, o pagnanakaw, tulad ng pagnanakaw ng pera ng isang kliyente.

Marami sa mga insurance supplier na ito ay ipagtatanggol ka hanggang sa Mataas na Hukuman kung kinakailangan. Kahit na ikaw ay matalo, ang mga patakarang ito ay dapat na tumakip para sa anumang bayad-danyos, depende kung ikaw ay covered ng ganitong patakaran. Ang mga polisiyang ito ay dapat din na tumakip sa mga gastos ng pag-aayos ng anumang mga pagkakamali na nagawa para mapigil ang mas malaking problema.

Directors’ insurance

Kung ikaw ang direktor ng isang limitadong kumpanya, ikaw ay higit na protektado sa lahat laban sa anumang mga pag-aangkin. Subalit, maaari ka pa ring kasuhan sa ilang mga sitwasyon, tulad ng pagpapabaya. Ang ganitong pagseseguro ay poprotektahan ka mula sa ganitong mga sitwasyon.

Do you like this Money Making Business Idea? then please consider subscribing to our RSS feed. You can also subscribe by email and have new articles sent directly to your inbox. (Once you entered your e-mail address, you need to login to your e-mail account and click the link to confirm your subscription).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *