marketing your businessPromosyon para sa Negosyo, Alamin ang Paraang Epektibo

Sa isang ideyal na mundo, ang lahat ng mga taong nagpapatakbo ng isang maliit na negosyo ay aktibong gumagastos para sa pagpapa-adbertisyo at promosyon ng kanilang negosyo. Marahil ito ang dahilan na dapat ay magtalaga ng taong mangangasiwa para dito. Ito ay napakahalaga dahil aanhin mo nga naman ang negosyong walang kustomer at hindi kilala ng tao.

Ito ay hindi lamang tungkol sa tamang pag-uukol ng oras kundi dapat ang nagbebenta ay alam niya kung paano hikayatin at kunin ang atensyon ng mga tao at dapat siguradohing mabuting salita at impormasyon lamang ang kanilang maririning o makikita sa isang promosyon.

Alamin ang mga paraang epektibo sa pagmemerkado ng iyong negosyo.

Pagmemerkado (Marketing)

Maraming uri ng pagmemerkado o marketing. Ang pagsposponsor sa isang aktibidad sa inyong kumunidad ay isang uri nito, dahil ito ay maaaring magdulot ng impluwensya sa mga taong nakakita o nakarinig at makahikayat na bumili mula sa iyong negosyo. Pag-aadbertisyo sa radyo at telebisyon ang mga uri rin ng pagmemerkado.

Ang susi upang malaman kung ang pagmemerkado o marketing ay magiging matagumpay ay dapat muna itong subukan at sukatin. Dapat mong subukan ang lahat na posibilidad sa pagmemerkado na maaari mong ma-isip ngunit ito ay dapat na subok lamang at dapat alamin kung ito ay epektibo o hindi.

Maraming iba’t ibang uri ng pagmemerkado na epektibo lamang sa partikular na negosyo. Ang tanging paraan upang malaman kung ang mga ito ay epektibo at angkop sa inyong negosyo ay dapat muna itong subukan. Maglaan ng badyet na para dito sa panahon ng pananaliksik, at isaalang-alang ang mamuhunan sa isang propesyonal na pagmemerkado sa pagsubaybay sa sistema ng iyong negosyo.

Maaaring mamuhuman upang ipalaganap ang iyong negosyo sa isa sa mga pagmemerkadong ito: advertising, direktoryo, online advertising, website, networking, newsletters, email, direct mail, telesales, corporate gifts, paggawa ng blog, audio CD, DVD, press release at mga kaakibat na pagmemerkado.

Do you like this Money Making Business Idea? then please consider subscribing to our RSS feed. You can also subscribe by email and have new articles sent directly to your inbox. (Once you entered your e-mail address, you need to login to your e-mail account and click the link to confirm your subscription).

4 thoughts on “Marketing Your Business”
  1. f you want to have a business Join us! Be a jinga juice dealer for only P7,799. If you are interested please contact ME 09264780314. you may watch video on youtube. search jinga juice presentation.

  2. Isa sa palagay ko sa kulang dito sa Pinas ay ang Marketing ng ating produkto, we market ourselves pretty good within the Philippines pero our efforts are not enough to market Filipino products, culture on a global scale.

  3. The best way to marketing your company or business is promote your business more and more. Affiliate marketing is a nice strategy to promote a websites. Even I am also doing affiliates for my website.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *