Pangalang Panalo sa Iyong Negosyo

business name

Pumili ng isang magandang pangalan para sa iyong negosyo na tumutukoy sa mga produkto o serbisyo nito. Dapat ito ay madaling kilalanin at matandaan ng iyong mga kustomer.

Maging malikhain sa pagpili ng pangalan ng iyong negosyo ngunit may tatlong bagay kang dapat ikonsidera sa pagpili:

* Makakatanggap ba ng proteksyong tatak-pangkalakal ang napili mong pangalan para sa iyong negosyo?

* Ang pangalan ng negosyo na iyong iminungkahi ay maaari pa bang magamit? Siguradohing walang iba ang nagmamay-ari rito.

* Kung ang iyong negosyo ay magkakaroon ng isang website, magagamit ba ang kaparihong pangalan upang iyong maging domain name?

Ang pinakamahusay na pangalan para sa mga maliliit na negosyo ay yaong madaling tandaan at iugnay sa produkto o serbisyo ng iyong negosyo. Maari kang gumawa ng pangalang hindi kaugnay ng iyong negosyo ngunit mangangailangan ito ng malakihang adbertisyo para ipakilala ang iyong produkto o serbisyo sa mamimili. Kaya’t mainam at pinakamadaling gawin ang humanap ng pangalang kaugnay sa iyong negosyo.

Tips para sa pagpili ng isang natatanging Pangalan ng Negosyo

Narito ang ilang mga alituntunin sa paghahanap para sa isang natatanging pangalan ng negosyo:

* Gumawa ng pangalang madaling tandaan. Ang isang malikhain at natatanging pangalan ay hindi lamang maging karapat-dapat sa isang mataas na antas ng proteksyong tatak-pangkalakal kundi ito ay madaling tumatak sa isip ng iyong mga kustomer. Madaling malimutan ay ang mga pangalan ng tao (tulad ng McGregor Web Design), may mga kasamang pang-heograpiyang mga kataga (tulad ng Mountainside Catering Services), at mga pangalang literal na lumalarawan sa isang produkto o serbisyo (tulad ng Sales at Appliance Repair, Inc). Tandaan, nais mong makilala ang sarili mong negosyo mula sa iyong mga kakumpitensiya.

* Ang iyong pangalan ay dapat na nakakaakit at madaling gamitin. Pumili ng isang pangalang madaling tandaan at bigkasin, at yaong nakakaakit sa iyong pandinig at paningin. Subukang pumili ng isang kaakit-akit na pangalan na ang mga tao ay nais itong ulit-ulitin. Siguraduhin na ang anumang imahe o pangalan ay angkop sa iyong mga kustomer na target.

* Iwasan ang heograpikal na mga pangalan. Bukod sa pagiging madaling kalimutan, at mahirap na protektahan ang tatak-pangkalakal (trademark) sa ilalim ng batas, at ito ay maaring hindi maging angkop kung ang iyong negosyo ay magtatatag sa ibang lugar. Halimbawa, ang pangalan ng iyong negosyo ay Ayala Ave. Aquariums & Fish, hindi kaya ito magkakaproblema kung gusto mong magtayo ng pangalawang negosyo sa Quezon City? Lalo na kung nagbabalak kayo na magbenta ng mga produkto sa Internet, dapat ay mag-isip ng mabuti kung dapat mo bang isali ang heograpikal na pangalan sa iyong negosyo.

* Huwag limitahan ang pangalan ng iyong negosyo sa mga linya ng produkto lamang. Katulad nito, huwag pipili ng isang pangalan na hindi maaaring maging kinatawan ng mga hinaharap na produkto o serbisyo. Halimbawa, kung magsisimula ng negosyong nagbebenta ng bags at gumamit ka ng pangalang Leona Bags, Inc. Ang pangalang iyong ginamit ay hindi kaya magkakaproblema kung gusto mong magbenta ng ibang produkto tulad ng damit, sapatos at mga pabango? Kaya dapat isiping mabuti kung ano ang karapat-dapat na pangalan ng iyong magiging negosyo.

* Humingi ng payo sa iba. Bago ka magpasya sa isang pangalan, kumuha ng ilang mga payo mula sa mga potensyal na kustomer, suplayer, o sa iyong mga kaibigan. Sila ay maaaring makabahagi ng isang potensyal na pangalan o magmungkahi ng isang pagpapabuti sa pangalan ng iyong negosyo na hindi mo na-isip.

Do you like this Money Making Business Idea? then please consider subscribing to our RSS feed. You can also subscribe by email and have new articles sent directly to your inbox. (Once you entered your e-mail address, you need to login to your e-mail account and click the link to confirm your subscription).

3 thoughts on “Naming Your Business”
  1.  I’m impressed.  I
    don’t think I’ve met anyone who knows as much about this subject as you
    do.  You’re truly well informed and very intelligent.  You
    wrote something that people could understand and made the subject intriguing
    for everyone.  Really, great blog you’ve got here. I’m impressed.  I
    don’t think I’ve met anyone who knows as much about this subject as you
    do.  You’re truly well informed and very intelligent.  You
    wrote something that people could understand and made the subject intriguing
    for everyone.  Really, great blog you’ve got here. 

  2. sana pwd ipabenta,pwd nga ang hirap nman ng procedure dpat lgay keuh …..yema kc gus2 ko mlaman kung pano eh……

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *